See you all again in 2013!

Advertisements

Rody Vera’s Poetics: Ang Dula bilang Panitikan

Sa isang session ng Writer’s Bloc, noong buhay pa si Rene Villanueva,  naging di pangkaraniwan ang init ng diskusyon naming dalawa tungkol sa dula bilang panitikan.  Sa bahay niya ginanap ang session na ito noon. Linggo kami nagkita-kita at bagamat bihirang uminom ang mga miyembro, di ko na matandaan kung ano ang ipinagdiriwang namin noong araw na iyon at may nagpasa ng ilang bote ng beer.  At kahit hindi ako umiinom, namumula kaming nagbabalitaktakan kung ano nga ba ang pangunahing esensiya ng dula: drama ba ito o panitikan? Napaka-importante para kay Rene na ang dulang sinusulat niya ay bahagi ng mundo ng panitikan. “Panitikan muna iyan bago ipalabas at panitikan iyan kahit hindi ipalabas. Dapat magtagumpay muna ang dula bilang panitikan,” sabi niya nang may buong pagmamalaki at katiyakan. Sa isip ko noon, kalakip ng bahagyang katotohanan ng mga salitang iyon ay may bahagya rin akong naramdamang kayabangan. Wala na nga sigurong mas hihigit pa sa ego ng isang manunulat (bukod marahil sa isang artista). At hindi lang basta manunulat kundi manlilikha ng panitikan. Sapagkat mula sa mga sinabi ni Rene, mararamdaman mong ang bawat salitang isusulat niya, ang pagkakaorganisa ng mga salitang ito, ang kidlat at kulog na lilikhain nito kapag naihanay nang isa-isa’t bumuo ng kahulugan, ng talinghaga, ng pananaw, ng lalim at butas sa malaking misteryo ng Buhay, ay isa nang ambag sa daigdig ng panitikan.

“Wala akong pakialam kung ipalabas ito, kung paano ito ipalabas, kung sino ang aarte sa mga papel, kung paano ito ididirek ng direktor—problema niya na iyan—basta naisulat ko—‘yon na ‘yon,” sabi pa niya, puno ng simbuyo ng damdamin na lalo pang pinaigting ng ikalawang bote ng beer. Hindi siya nakatingin sa akin. Hindi siya nakatingin kahit kanino. Isinasambulat lang niya ito sa maliit na espasyong kinauupuan namin. Isang deklarasyon ng isang manunulat na tila may halong paghahamon sa kapwa niya mandudula na nakapiligid sa kanya na basta sumulat lamang ng dula, lumikha ng isang akda bilang alay sa malawak na kawa ng Panitikan.  Na para bang sa ganoong paraan ang likhang iyan ay may angking sariling palo na siyang magdadala sa may-akda sa harap ng pedestal ng mga musa.

Naalala ko ang pinagmulan ng diskusyong ito. Iginigiit niya kasi noon sa Writer’s Bloc na mag-publish ang mga miyembro ng kanilang mga dula. Importante, aniya, na makabuo kami ng maraming publication ng mga dulang sinulat ng Bloc.  Tungo marahil sa pagbubuo ng isang canon ng mga akda na maaaring maging batayan ng tunguhin ng Dulaang Pilipino. May ilang sumang-ayon, nagkibit-balikat at nag-akalang isa lamang itong pangkalahatang hinaing ng mga manunulat—dula man o maikling kuwento, nobela, o tula. Pagkat sino nga bang manunulat ang ayaw ma-publish? Pero hindi, nagpatuloy si Rene sa pag-usig sa mga aspiring playwright ng Bloc na sumulat para mai-publish at maihanay sila sa larangan ng mga alagad ng panitikan sa Pilipinas. Isali ang mga ito sa Palanca Awards, ang tanging timpalak na nagbibigay ng premyo sa magwawaging mandudula,  kahit kung ang akdang ito’y ipalabas man o hindi.

Ako yata ang nagsimulang pumakli ng, “E, kakaunting publishing house lang naman ang gustong mag-publish ng mga dula. Kasi wala namang nagbabasa ng dula.” Doon nga. Doon nagsimula ang diskusyong ikinapula ng mga pisngi ni Rene.  At sa itinakbo ng diskusyong iyon, tuwirang magkasalungat kami ng tindig.

Dahil para sa akin, na lumaki at natutong magsulat ng dula sa ilalim ng Philippine Educational Theater Association o PETA, hindi naging pangunahing layunin ang sumulat para ito’y gawing libro. Naging mas importante sa akin na ito muna’y itanghal.  Kapaloob sa tagumpay ng dulang maging isang akdang pampanitikan ay ang tagumpay nitong maisaentablado. Ang malaking puwang ng drama o teatro sa panitikan ay napagdudugtong ng tulay ng produksiyon. Ganoon ako pinalaki bilang mandudula. Ganoon ko nakita kung paano umunlad ang pagsusulat ko ng dula.

Ang tanong ko, ano ba talaga ang ibig sabihin ng katagang, “… magtagumpay muna bilang panitikan”? Kailan ba masasabing nagtagumpay bilang panitikan ang isang akda? Kapag ito’y naisulat? O kapag ito’y nabasa na? Sino ang magtatakda ng tagumpay? Ano ang mga pamantayan ng tagumpay na iyan?  At totoo bang kapag nagtagumpay ang isang dulang isinulat bilang panitikan, automatikong magtatagumpay din ito bilang drama? Alin ang mas nagbibigay halaga sa isang dula? Sa mahigit limampung taong idinaos ang Palanca Awards, mangilan-ngilan ang nagtagumpay nang sabay sa larangan ng Teatro at Panitikan.

Sa mainit na diskusyon sa maalinsangang Linggong iyon, sinabi ko, “Kaya nga playwright at hindi scriptwriter ang tawag sa atin. Dahil literal tayong bumubuo ng dula, hindi lang basta nagsusulat. At kahit sa pagsulat mismo ng iskrip, dadalawa lang ang paraang puwede mong gamitin: stage direction at dialogue.  Hindi ba sabi mo noon, hindi kailangang maging mabulaklak ang stage direction na para kang sumusulat ng maikling kuwento o nobela? Dahil ang layunin naman ng stage direction ay upang bigyan ng malinaw na bilin ang artista at direktor kung ano ang dapat nilang gawin sa entablado?” Bagamat may ilan rin namang mga mandudulang malalaki ang ulo at hayagang pinahahaba ang mga stage direction ng mga dula nila, tulad  halimbawa ni George Bernard Shaw, kung minsan. O di kaya’y tulad ni Nick Joaquin na nagbilin sa sinumang babasa kanyang A Portrait of the Artist as a Filipino na ituring ito bilang isang nobela. “Kung ano’t anoman,” sabi ko kay Rene, “kahit naman gaano ka kasinop sa pagsulat ng stage direction, madalas, hindi rin naman nasusunod sa produksiyon dahil, hindi naman naisip ng mandudula halimbawa, na mahirap nga namang magpagawa ng barkong dadaong sa pier lalo pa’t kung ang budget ng produksiyon ay ni hindi sapat para magpagawa ng kahit kapirasong bangka.“

“Sa pagsulat ng dula, sino ba ang kausap ko? Hindi ba ang aarte at ang magdidirek nito? Maging ang pagbabasa ng dula ay may kakaibang paraan at lapit ng pagbabasa. Wala pa akong nakitang bestseller hit na dula sa mga bookstore, liban na lang kung ito’y required reading sa mga eskuwelahan tulad halimbawa ng mga akda ni Shakespeare.” At sa pagkakaalam ko, noong sinulat ni Shakespeare ang kaniyang mga obra, ni hindi pumasok sa isip niyang ipublish muna ito, o nilayong magtagumpay muna ito bilang panitikan.

“Stage direction lang at dialogue ang gamit ko para maghayag ng kuwento, “ sabi ko kay Rene. “Wala itong masyadong pinag-iba sa pagsulat ng cookbook. Ang mga sinusulat natin, sabi ko ay mga ‘recipe’ na kung tama ang luto, harinawa’y maging isang bonggang production. At pagkatapos na ito’y maitanghal, ang mga salitang nanatili sa alaala ng manonood, bilang mga salitang binigkas at binigyang himig ng aktor, ay maaaring sumaboy sa kolektibong alaala ng komunidad. At kapag ito’y nailimbag at muling naipalabas at muling manamnam sa entablado at pahina—hindi ba saka lamang natin tiyak na masasabing nagtagumpay nga ang dula bilang panitikan? At tulad sa isang recipe, paano natin masasabing nagtagumpay na nga ito bilang ambag sa tradisyon ng culinary arts kung ito’y binasa lamang at hindi sinubukang lutuin?”

“Bakit, ako, mahilig akong magbasa ng recipe kahit hindi ako marunong magluto,”  ang sagot niya sa akin. Napakunot ako ng noo. Hindi ko alam kung seryoso siya o nang-aasar lang. May katahimikang namayani at nagmuni nang  matagal ang mga tao sa paligid. Ayun pala’y sinisikap ng mga nakikinig sa amin na halukayin ang lalim ng kahulugan ng sinabi ni Rene. Nagpatuloy siya, “Mananamnam ko ang sarap ng luto sa isip ko. Maaamoy ko ang ginigisang kamatis at bawang at maririnig ko ang tilamsik ng mantika kapag sinimulan ko nang iprito ang manok na ibinabad sa toyo at suka. Hindi ba ganoon din naman ang pagbasa ng panitikan? Ikaw na mambabasa- ang siyang magluluto niyan sa utak mo. At ikaw na rin ang huhugot ng sarap!”

“Hindi ka nga marunong magluto,” ang tanging nasabi ko sa sarili. Pero sa loob -loob ko ang gusto kong isagot ay, “Maaari nga, pero napakapambihira na siguro ng literary comprehension powers ko para tuwirang malanghap ang sarap ng amoy ng adobo mientras napakasimple at talagang mas praktikal kung mamamalengke ako’t lulutuin ito, at titikman saka mapatunayang, oo, masarap siya. Isa siyang akdang pampanitikan! “

Pagkat ganoon naman ang iskrip na sinusulat natin, di ba?  Humihingi—hindi—nagsusumamo itong maitanghal pagkat ang mga dialogue na nakasulat sa papel ay hindi kasing lutong kaysa kapag ito’y sinambit mismo ng artistang gaganap. At humihingi ito ng mukhang magpapatulo ng isang luha sa kanan—hindi– sa kaliwa dahil hindi makikita ng pinakamalapit na audience.  Gusto nitong marinig ang perpektong taghoy kapag nalaman ng tauhang patay na ang kanyang pinakamamahal na asawa.  Ang paraan ng pagkakahiyaw ng salitang sasambitin, kahit ito’y naka-all caps sa pahina ng iskrip, ay kailangang marinig at mapanood. Pagkat tulad din ng musical score na puro notang umiindayog sa papel—ay halos walang dating kumpara sa tugtog ng orkestra.

Hindi ko alam kung ang kayabangan ng isang manunulat ay nasasaling dahil ang prosesong dinaraanan ng unang borador na sinulat niyang iskrip ay kailangang dumaan sa dila, boses, at lantik ng katawan ng artista, laway at taas ng kilay ng direktor. Na tuwing pinapalitan  ng isang artista ang kanyang dialogue dahil sanay itong mag-improvise ng mga linya ay nagdurugo ang puso ng nagsulat. O, mas higit diyan, ay kapag may napitas na mas magandang paraan ng pagkakasabi ang artista kaysa sa mga linyang sinulat dahil mas tumbok ng aksidenteng pangungusap na gamit  niya ang kahulugang gusto sanang ipahiwatig ng nagslat; bukod diya’y lalo pang  dumulas ang linya, na siyang ikinatuwa ng direktor, at ikinatuwa rin ng manonood!

Dito sa palagay ko, naghihiwalay kami ng landas ni Rene. Pagkat ako ay mandudulang hindi gustong manood ng ensayo ng sinulat ko  dahil lamang ipinagdiriwang ng produksiyon ang tagumpay ng akda bilang panitikan, kundi gusto kong malaman kung ang binubuo kong dula ay tumatayo bilang teatro, bilang drama nang sa ganoon sa harap ng altar ng panitikan, maging tunay itong karapat-dapat. May pagpapakumbaba akong uupo at manonood habang sumasakit ang tenga ko kung sakaling hindi madulas ang pagkakabigkas ng isang linya. At pagkaraan ng ilang diskusyon ay posible kong amining, oo nga, hindi nga siya madulas, bakit di ko kaya subukang ganito ang linya? Kailan titigil sa gitna ng pangungusap? Ang lutong ng mura ay di dapat sing lutong ng mura ng isang sanggano, kundi lutong ng mura ng isang taong noon lamang nakapagmura. Kailangan ko ng artista para matantiya ang tamang timpla ng tunog ng salitang iyan. At kung hindi umeepekto, baka dapat palitan mismo ang salita para lalong humiwa sa damdamin.

Ang pagsusulat ko ng dula ay hindi natatapos sa pagtipa ko ng salitang  Wakas sa aking iskrip. Nagpapatuloy ito sa rehearsal. Nakikita ko kung umuubra ang mahabang eksenang ito o bumabagal ang eksenang iyon. Nakikita ko ang problema ng dramaturhiya at istruktura dahil sa tulong ng mga artista at direktor habang nag-iensayo. Doon ako sa ensayo higit kailanman gising at alerto. Gusto kong malaman kung, tulad sa isang disenyong pang-arkitektura, ang totoong bahay ay tatayo at maganda.

Pagkat nakapaloob sa produksiyon, sa kulay ng boses ng artista, sa porma ng kanyang katawan, ang potensyal at katuparan ng dulang sinusulat ko. Bilang drama at panitikan. At kung makumbinsi akong problema ito ng tekstong sinulat ko, kailangan itong rebisahin. Kasama ang buong proseso ng ensayo sa pagsusulat ko ng dula.  Importanteng bahagi ang mga miyembro ng produksiyon sa pagsusulat na ito.  Pagkat hindi ko tinitingnan bilang hadlang o panganib sa pagsusulat ko ang anomang ambag na maaaring maidagdag ng mga miyembro ng produksiyon sa patuloy na pagbubuo ng dula. Kung kaya’t wala akong malaking isyu kung ipakiusap sa akin ng direktor o ng artista na kung maaaring palitan ang linyang ito, o baguhin ang eksenang iyon. Ako pa rin naman ang magpupumilit na baguhin ito o magpasyang huwag ito baguhin. Pero hindi sa dahilang ang sinulat ko’y nagtagumpay na bilang panitikan, kundi sa dahilang, kailangang magtagumpay muna siya sa entablado.

Kapag naitanghal na ito, malamang marami pa rin akong makikitang pagkukulang na dapat punuan. At maaari ko pa ring ipagpatuloy ang pagpapakinis o pagpapayaman ng dulang isinilang na sa entablado. Hanggang ito’y pagyamanin ng iba pang produksiyon. Pero para sa akin, anomang paglalakbay ang  tahakin ng dula ko patungo sa larangan ng panitikan ay kailangang dumaan sa masalimuot na proseso ng pagsilang ng dula sa tanghalan.

Ang isang mandudulang tulad ko ay nakatindig sa dalawang larangan. Ang kaliwang paa ko ay nasa larangan ng teatro, ng performing arts, ng drama. At ang kanang paa naman ay nasa larangan ng panitikan. Hindi ko maikakaila na kaliwete ako. O tulad ni Hudas, ika nga ng isang biro, tila mas mabigat ang kiling ng bayag ko sa teatro. Ito na rin marahil ang nagtatakda kung paano ako magsulat, para kanino, at iba pang mga isyung nauukol sa sining ng pagsusulat. Madalas nagsusulat ako ng dula dahil kinomisyon ako. Hindi dahil sa babayaran ako, bagama’t magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi importante iyun, kundi pa dahil sa nakatitiyak akong ipapalabas ito ng nagkomisyon ng dula at hindi mananatiling blueprint ng isang produksiyon sa utak ko. Tiyak din sa akin kung sino ang manonood nito. At ang karanasan ko sa pagsulat sa teatro ang nagbibigay din sa akin ng ideya kung gaano karaming mga artista ang dapat isali, kung musical ba ito o dulang may awit dahil marunong umawit ang mga gaganap, at iba pang konsiderasyon. Maging ang mga estilong pinag-eeksperimentuhan ko ay nagbuhat sa karanasan ko sa panonood at kakayahan ng mga kumpanyang panteatrong ginagalawan ko. Pati ang estilo at diction ng panulat ko’y bahagya o tuwirang nakabatay sa karanasang panteatrong pinagdaanan ko. Kung mayroon mang inobasyon o pagtatangkang lumikha ng bago—ito’y batay na rin sa kakulangang natunghayan ko sa karanasan ng mga produksiyong nagdaan. At hindi kailanman sa karanasan ko sa pagpublish ng mga dula ko.

Para sa akin, sa ganoong paraan lamang mabubuo ang pampanitikang bahagi ng isang dula. Mas hinog at mas masigla dahil pinataba ito ng ibang kasapi ng produksiyon. Saka lamang ito nararapat na ituring bilang akdang pampanitikan. Wika nga ni David Henry Hwang, “Are plays literature? Yes, but in retrospect.”

Iilan lang naman ang naging layunin ko sa pagsusulat ng dula. Ang una’y nagbabakasakaling kikita ako kahit kaunti. Mas naikli ang panahong hinihintay para mabayaran ako sa pagsusulat ko ng dula. Di tulad siguro ng pag-publish ng sariling libro. Ang ikalawa’y bunsod na rin ng aking pampolitikang pananaw: na mayroon akong mahalagang gustong sabihin sa mundo, etc etc. Ang ikatlo’y, oo, tulad ni Rene, hangarin ko ring makilala sa larangan ng panitikan ang mga akda ko, nguni’t di ko maisip na iuna ang hangaring ito sa pinakamahalagang hangarin ko bilang mandudula, walang halong pagbibiro: ang magpalabas.

Jose Marte A. Abueg’s Poetics: The Way of the Rose

What I write: Whatever is triggered by the impulse — by an image, idea, phrase, or thought that provokes, engages, fascinates, briefly or for prolonged periods.

Poetry writing started, for me, in 2001. Several early poems considered poetry and its coming into being. These became a section of my book Bird Lands, River Nights, and Other Melancholies.  They were a way of exploring, examining and expressing the strange thing that was happening to me: becoming a poet. For the most part, the book is about mortality, passage of time, and inner thoughts.

The present manuscript, “Hidden Codex: Fictive Scriptures,” comes from nearly three years of interest in things in the Bible (which I have read for the first time, only in small parts, and only for research), essentially with man-and-god as subject of literary imagination.

It looks at, among others, minor characters and events that have only minimal mention in the gospels. When Jesus sent two disciples ahead to Jerusalem, he told them, “Go into the city and a man carrying a jar of water will meet you. Follow him, and wherever he enters, say to the householder, ‘The Teacher says…’” That was from Luke; for the scene that followed, Matthew has provocative phrasing: “The Teacher says, ‘My time is near, and I will eat the Passover meal with my disciples at your house.’”

A man carrying a jar of water in itself can be an image symbolic enough, like the water-bearer Aquarius; placed in a biblical context, it increases literary interest several fold. Who was this man and how did Jesus know he was going to be there? The resulting prose poem is, on one level, about an ordinary man and something mystical. On another level, it is about the notion of certainty and belief. Another prose poem is about the householder (“the goodman of the house” in the King James Version). How would it feel to have Jesus come to your place to eat the Last Supper?

Many of the poems are about characters and topics that are subject of continuing debate. Much of the interest stems, admittedly, from the controversy:

  • That Mary, called Magdalene, was not a former prostitute and was not the Mary who anointed the feet of Jesus. (She might have come from a wealthy family in Magdala and been one of the women who provided for Jesus and his men, who went from town to town with no money.)
  • That Judas Iscariot was more complicated than the evil character people know, the ultimate traitor who betrayed Jesus for silver. He might have been a revolutionary against Rome (and therefore possibly a thinking man, not a simple fisherman who followed blindly).
  • That Jesus did not “suffer under Pontius Pilate.”  The narrative in the Bible shows Pilate refused to deal with Jesus (among other reasons, his wife had a dream and warned him, “Have nothing to do with that holy man”) but was compelled by the Pharisees and their manipulated mob. He asked them, “What evil has he done?”
  • That there are other gospels, such as those of Mary Magdalene, Thomas, and Judas, aside from those of John, Luke, Matthew and Mark, that should also be read (their being outside the mainstream makes them interesting).

I have no compulsion yet to examine this fascination with biblical subjects rationally. (It is admittedly a partly spiritual interest.) Right now, I am not done with this “demon,” and that is good, because it sustains the writing urge.

How I write: A happy truth when it is the case, to the extent that it is (the greater the extent, the more satisfying): “Poems write themselves.”

Experience has taught me that poems cannot be coerced into being; manufacturing them could show skill but not spirit; and, without inspiration, they are liable to be pale and flat, if not dead, stillborn (“spirit” and “inspire” have the same Latin origin, spirare, meaning “to breathe”).

Fortunately, the poems “just come” often enough: first a phrase, sometimes a line (once, the title came first). And then there follows a lot of revision — weeks, months (four years in one case) of rewriting, rephrasing, and polishing. It is said that a poem is never finished, the poet just stops working on it.

Serendipity at times has been nice and helpful. When writing a poem that takes the point of view of Pontius Pilate, I frequently searched the Internet and, by completely chance, saw the phrase quo animo — “in what spirit?” — and it fit the theme perfectly.

 

Why I write: These would be like the usual answers, I suppose:

  • To exorcise my “demons” — the urges that must be satisfied; spiritual/metaphysical-emotional “issues” that must be settled; “poems that write themselves.” Sometimes a poem is enough; sometimes a whole cycle is necessary.
  • For the satisfaction of creating what to my mind is a thing of beauty (although at times when the feeling of joy is absent). Poetry writing has become a self-driven passion.
  • For self-definition. Different kinds of engagements over several decades — from journalism to corporate communications to freelancing — did not provide this self-definition. After 11 years of it, I think I am me because of my poetry.

There is a little story on how this started. For many years I had no interest whatsoever in poetry and could not even read a poem. Then, on a cliché of a night in 2001, Jack Nicholson’s line came to me, about wanting “to be a better man.” Soon I found myself reading a book of poems (a secondhand one I bought for no reason other than it was very cheap. I had kept it on a shelf with no intention of reading it. A friend had recently advised acquiring books “even if you don’t read them, because they are treasures in themselves,” or something to that effect.) It is titled “Possibilities of Poetry”; I glimpsed those possibilities and began gradually to be taken in. The first attempt at developing a couple of lines followed a few months later, on another cliché of a night, while I was looking at the moon. J

Why “The way of the rose”: I wanted a neutral title and found out that Umberto Eco had a similar intention when he named his novel. Also, that is the way I believe a poem should grow (and bud and blossom): by nature’s grace.

Carlos M. Piocos III’s Poetics: Crimes of Passion: Pagkastigo at Pag-absuwelto sa Pagtula

Lagi’t laging mahirap magpakilala ng sarili. Para kang gumagap ng mga salita para magpasubali, para magpaumanhin, para sabihin ang iyong posibilidad at limitasyon, sa harap ng di-magagap na kasalatan at kalabisan ng mga salita at kataga sa iyong diwa.

Sa tuwing tinatanong ako kung bakit ako nagsusulat, lagi akong nauumid at napapatunganga. Wala akong nakahandang maikling sagot para sa mga ganitong maiikling tanong. Sa huli, nilulunok ko na lamang ang mga salita at nakokontentong magmukhang tanga. Kaysa magmukhang hambog na nagpapaliwanag ng sariling akda.

Alam ko namang kinakailangan ng kritikal na lapit sa bawat pagsubok ng tula. Nanggaling ako sa disiplina ng teorya (BA Comparative Literature), at kahit kailan, kinaiinisan ko ang sagot ng ilang mga makata na nagsusulat sila ng tula dahil iyon ang gusto nila at basta na lamang lumalabas ang mga berso at talata mula sa kanilang mga daliri patungo sa kanilang mga pluma at iuukit nila sa kanilang mga papel na tila ba mga Diyos na lumalalang lamang basta-basta ng mga akda.

Sa pinanggalingan kong disiplina, kinakastigo ang lahat ng makata, sa loob ng korte ng Mataas na Kritika. Hinihimay-himay ang mga testimonya ng kanilang ng mga teksto na parang bulag na testigo. Inililitis ang motibo, ang kanilang mga pagnanasa at poot, ang kanilang mga lunggati at ligalig, ang kanilang mga pulitika at pag-ibig. Isinasambulat ang kasaysayan ng bawat akda nila bilang mga ebidensiya ng kanilang uri, sekswalidad, lahi, etnisidad at iba pa. Saka sila inaakusahan gamit ang sipat ng iba’t ibang teorya, tinatanong ng mga kritiko na parang mga abogado. At saka hinuhusgahan sa huli sa atas ni Marx, Freud, Lacan, Foucault, Derrida, et al.

Sa kalagitnaan ng di-mabilang na paglilitis, naghahanap ako ng tahimik na silid. At sa aking lihim na kuwaderno ay isinusulat ang mga aking mga panimulang tula. At dahil nga alam ko ang mga parating bintang, palagiang akusasyon at madalas na mga kaso ng bawat akda at makata, pinipilit kong humulma ng akdang maaring makatindig sa harap ng hukuman, at makatestigo nang buo ang tinig.

Sa lahat ng ito, kaagad kong napagtanto na mahirap magsulat nang may mabigat na bagahe ng kritikal na mga teorya. Naghahamon pa lang ng suntukan, bumabanat ka na. Natutukan ka pa lang ng baril, sumasalag ka na ng bala. Kahit anong isulat kong tula, para lagi akong nakikidigma.

            Noong makalaunan, natagpuan ko, kahit paano, ang landas ng aking pag-aaral, sa parehong kritisismo at malikhaing pagsulat. Napapadalas ang mga papel-pagsusuri ko ukol sa paghuhugpong ng ideya ng rebolusyon at pagnanasa/pag-ibig. Sa bahagi naman ng aking tula, napansin kong dumarami ang aking tulang napapatungkol sa pag-ibig, at ang partikular na lunan nito sa katawan. Mula rito, ninais kong lumikha ng kartograpiya ng pandamdam at salita sa masalimuot na lunduyan ng katawan. Nais kong pag-aralan ang katawan, bilang materyal at konseptuwal na lunan ng diskurso ng pag-ibig at pakikibaka.

Nagbunga ang proyektong ito ng aking kilometro zero ng aking diskurso at poetika: ang aking unang corpus, ang labinlimang tulang nagnais makarating hindi lamang sa rotonda ng teorya at tula, kundi sa mas masalimuot na sangandaan ng pag-ibig/pagnanasa at pakikibaka. Ang sumunod na koleksyon ay mas ambisyoso, sapagkat pinilit kong umakda ng dalawang tinig, nagsasalimbayan at nangungusap ngunit nagmumula sa magkabilang-panig ng digmaan: guerra cantos o ang mga awit-pag-ibig sa gitna ng digma. Dito’y hindi lamang ang katawan ang aking pinagsabong, kundi ang iba’t ibang uri ng pag-ibig at pananalig ng isang pari at isang gerilya.  Hinayaan kong mamulaklak ang kontradiksyon sa pagitan ng dalawa, magliwanag at matupok ang mga salita, hanggang umuwi sila sa kani-kanilang silid o lungga, katawan sa katawan sa kani-kanilang teritoryo at pakikibaka.

Ang unang dalawang koleksyon na ito ang bumuo sa aking unang aklat, na pinangalanan ko ring corpus, sapagkat sa maraming kadahilanan, ang kalipunan ng mga tulang naririto ay nagtatagpo sa iisang lunan: sa iisang katawan sa interseksyon ng iba’t ibang giyera: wika laban sa wika; katawan versus katawan; sa maraming digmang ibinubunsod ng iba’t iba’t uri ng pag-ibig, pakikibaka, at pananampalataya.  Ang mga tula sa koleksyong ito ay ang aking paraan upang subuking hulmahin ang materyalidad at korporealidad sa mga tunggaliang ito.

Sa aking susunod na proyekto, iinisip kong palabasin na ang tinig labas sa bunganga (na madalas kong metapora), at malayo sa sentro-de-grabedad ng aking sariling pagtula: ang katawan. Subukang paglakarin sa lansangan, iligaw sa kiwal ng mga kalye at dilim ng eskinita. Iniisip kong subukin ang tindi ng pusok, tibay ng pananalig at talim ng pag-ibig ng aking tinig sa harap ng kamatayan at panganib.

Katulad ng una kong mga koleksyon, tungkol pa rin ito sa katawan at nasa, ngunit kaiba sa mga ito, gustong tulaan ang mga kasalanan ng pananalig: ang mga bagay na kayang bitawan para sa kinapitang pananampalataya, ang hangganang kayang itulak ng pusok at ligalig, ang mga kabayaran ng ating mga kapusukan at ang araw-araw na pag-absuwelto sa sarili, gabi-gabi sa loob ng silid, sa ating mga karuwagan. Iniisip kong tulaan at ang mga krimen ng pusok (crimes of passion) at buksan ito sa marami nitong pagpapakahulugan sa pang-araw-araw na danas sa siyudad:

Ang sala ng pusok, sinala sa init, sinala sa lamig, krimen na binawal ngunit nagawa sa lungsod, krimen ng pakikibaka at pakikitunggali, krimen ng sikretong nabunyag ng dugo ngunit naibaon muli sa libing, krimeng kayang patawarin, krimen walang kapatawaran, krimeng tinimbang ng awa, krimeng tinimbang ngunit kulang, krimen ng dahilan, krimen ng puso at krimen ng katawan.

            Maaga akong namulat sa konsepto ng panganib. Tandang-tanda ko noon, grade 1 ako noong madalas pag-usapan sa hapagkainan ang Vizconde Massacre. Sanay at sinanay na hindi sumabat sa usapang-matanda, mataman akong nakikinig noon sa mga detalye sa kanilang usapan at maging sa mga balita. Sinundan pa iyon ng marami pang uri ng krimen, pinagpipiyestahan sa telebisyon at tabloid sa Filipino na tanging diyaryo sa bahay namin sa Zambales. Kalaunan, nauso ang pito-pito na pelikula ng mga masaker, madalas may subtitulo ng paghingi ng awa at kaligtasan, kahit na tapos na ang krimen, dumanak na ang dugo at wala nang kaligtasan. Nauso at sinubaybayan ko rin noon ang Calvento Files. Kung di magkakasya sa paminsan-minsang Pinoy slash horror-drama sa TV Patrol, kada Martes ay may kuwento ng panganib at kamatayan. Sa dulo, ipapakita ni Calvento ang cartographic sketch ng mamamatay-tao, at sasabihing, “pagbigay-alam sa kinauukulan kung makikita mo itong pagala-gala sa inyong lansangan.” Sa ganito ko natutunan na di malayo ang panganib, baka kapitbahay mo lang ang tunay na panganib. At totoo na hindi multo ang dapat katakutan, kundi ang sketch ni Calvento na maaaring nag-aabang lamang sa labas ng inyong tarangkahan.

Kadalasan pusok ang paliwanag sa mga karumal-dumal na krimeng ito; mga pagnanasang nababad, nakulob at sumangsang, kaya hindi na nakayanan; mga ninais na di natiyaga sa birheng dasalan, pagkatapos pinaspas ay tinaga pa’t ginilitan; mga pagnanasang nagsahalimaw at nagkatawang-mamatay-tao.

Binabalik ko ang alaalang ito sa pagsusulat ng naiisip kong mga susunod na akda. Iniisip ko, higit na mas malapit na sa akin ang panganib at kamatayan. Pinatay ang isa sa mga matatalik kong kaibigan, sinakal sa loob ng kanyang sasakyan. Sinasagasaan ang isa ko pang kaibigan habang tumatawid sa Ortigas at kahawak-kamay ang sinisikreto nyang kasintahan. Ang isa ko naming gerilyang kaibigan, nakatakas nga sa engkuwentro laban sa kalaban, ay naglangib ang sugat mula sa bala sa paa habang tumatawid sa di-alam na bahagi ng kabundukan. Wala sa kanila ang minasaker. Wala rin sa kanila ang biktima ng crime of passion. Ngunit inisip ko, biktima sila ng kani-kanilang bersyon ng pag-ibig.

Maraming uri ng krimen na kayang gawin sa ngalan ng kung anu-anong uri ng pusok. At sa lahat ng krimen, ang krimen ng passion o ang pusok ang naglalaro sa hangganan ng kastigo sa absuwelto, ng kasalanan sa awa, ng pusok sa puso. Sa pasion ni Kristo, kastigasyon ang hinarap para maabsuwelto ang mundo. Sa dinami-rami ng mga nagpakamatay at pumapatay sa iba’t ibang uri ng digmaan sa kasaysayan, inaabsuwelto sila ng kanilang pag-ibig at paniniwala. At sa dinami-rami ng mga pinagbabawal, lahat tayo ay kriminal ng ating puso, umuumit tayo ng sandali at madalas magkasala, umaasa sa awa ng langit, ng Lungsod, ng Lahat.

Maraming kasalanan ang kayang gawin para sa pananampalataya. Maraming buhay ang ibinubuwis araw-araw, tumatayo sa bingit at sa mga pinagmumuntik-muntikan, para sa iba’t ibang ngalan at anyo ng pag-ibig, araw-araw, gabi-gabi sa mga lansangan, sa mga kabundukan, sa madidilim na eskinita, kahit sa loob ng katahimikan ng silid. Araw-araw maraming inaalay na buhay, maraming pinapatay, sa lungsod.

Walang ligtas sa panganib at walang ring alibi. Sapagkat lahat tayo ay nasa sangandaan ng dito-at-ngayon, kunsaan araw-araw ay ginaganap ang krimen sa siyudad. Lahat ay saksi, araw-araw, sa ating mga nagawa, sa ating mga nakita, sa ating mga narinig. At lahat tayo ay maysala’t inaabsuwelto ang sarili gabi-gabi, habang nakahiga, nakayakap sa unan o sa katabi at nanonood ng panggabing-balita.

Ito ang pangatlo kong koleksyon ng tula, Kung ang Siyudad ay Pag-ibig, at ang aking unang pagkastigo sa sarili bilang makata. Kung ang Siyudad ay Pag-ibig, bukod sa aking akda, anong krimen kaya ang kaya kong magawa?

Priscilla Supnet Macansantos’ Poetics: Revealing Lives: Auto/biography

“Finding myself quite empty, with nothing to write about, I offered my self to myself as theme and subject matter.”

–       Michel de Montaigne (1533-1592)[1]

“How fortunate, then, that many of us love memories. That we understand who we are largely because of who we have been.”

–       Alice Walker[2]

There are elements of autobiography and /or biography in many of the literary pieces I have written. This is more pronounced in two essays – “Departures” (which gave me my solitary Palanca award, for the English essay), and “The Best of Times, the Worst of Times”, a piece included in a book of essays by Baguio writers, published by Anvil in 2009. The idea for “Departures” was with me for a long time, long before my father (in whose memory the essay was written) passed away, but it was only after my daughter turned ten that I attempted to put my memories in writing. As it turned out, the essay became a chronicle of my father’s life and his various departures, including that of members of his immediate family, and his relatives from the barrio of his birth in Narvacan, Ilocos Sur. Much later when my daughter came to read the essay, I admitted I had written the piece for her, so that she would know her family better, because the circumstances of her early life resulted in her knowing very little of her grandparents, and even less of my Ilocano roots. In writing the essay, I came to a clearer understanding of my father, who led a difficult life, and had to attempt again and again to find a better life outside his barrio and his country, notwithstanding even greater difficulties, in Hawaii. In a recent Nakem conference held at St. Mary’s University in Nueva Vizcaya, my daughter, who presented a paper, was told that the essay “Departures” is in the reading list at the University of Hawaii’s Ilocano Studies Program.

I think that my family’s story could very well be the story of some other Ilocano (even Filipino) family during that period of our country’s history, from the post-war years, to the early ‘70s. My father could have been some other struggling Ilocano farmer during that period, with a growing family, and very little land, or financial prospects. And so, as much as “Departures” is a chronicle of my family’s early struggles and departures, it is also somewhat of an account of the period in our country’s history in which the “story” is played out – from reconstruction after the war, to the Martial Law Years.

“The Best of Times, the Worst of Times” is a sequel to “Departures”, recounting my own journey – growing up during the period before Martial Law – and experiencing detention during the first years of martial rule. The essay is largely autobiographical, and the writing has made me not only relive the experience and remember some of the characters that peopled that extraordinary time, it has also brought me to a fuller and more sober appraisal of that time and that experience.

In the essay I am submitting to support this application, I write about my mother and the lessons in motherhood that I am only now acquiring a fuller appreciation for. Invariably, some of the material from the two earlier essays are used in this present one.

Much of what we are, is shaped by experience, which is the stuff of memory. Writing allows us to finally “make sense” of events and experience, even if, taken separately, events hold little significance in our lives. I have never written fiction, and I personally see that kind of writing as something more difficult because one has to do a great deal of invention and imagination. Having said that, the writing of autobiographical essays can pose considerable challenge as well, and the difficulties can be more pronounced if one has to work at finding anything remarkable about a particular life, or period in history. Arguably, every life is interesting, and any period in history is exceptional. Still, it is the writer’s task to put it together, not unlike any work of art.

Autobiography necessarily focuses on a single life, but lives are lived amongst other lives. Moreover, lives are shaped by the times in which they are lived. It is the writer’s challenge to blend these two facets – the personal and the shared life – to come up with a chronicle of a unique and individual life that others can somehow empathize with.

(The project I have in mind is a kind of consolidation of these “autobiographical pieces.”)


[1]     Montaigne was the first to interpret the ancient dictum “Know thyself” to mean “Write thy autobiography.” [from James Geary, The World in a Phrase: A Brief History of the Aphorism, Bloomsbury Publishing, New York, 2005]

–                   In French, the meaning of essay (essai) is “an attempt.” Montaigne tried to understand his own, and mankind’s place in the world, by looking inside himself.

[2]     Alice Walker, Coming in from the Cold, in Living By the Word, Harcourt Brace and Company, 1981.

Nikki Alfar’s Poetics: Why I Need This Workshop— and Possibly Psychological Help, but Preferably the Workshop

My second earliest memory is of my mother asking me where my twin brothers were.

“Rick and Rob’s coming downstairs in a minute,” I told her.

“Rick and Rob are coming downstairs,” she corrected me. “There are two of them, so you use the plural form of the verb.”

I was three years old; is it any big surprise that I’ve grown up into what’s been characterized as a ‘grammar nazi’?

Another of my early memories is of running out of Hardy Boys books to read, wandering the house, and discovering a thick book with a red paw print on the cover. Even after realizing that it was truly not a story about puppies, I was riveted and could not put Stephen King’s Cujo down.

I was seven; it was my first novel; and these two incidents are practically all you need to know about my early formation as a writer. But I’ll keep talking, because we’re supposed to do so for twenty minutes, even though I’m actually not big on talking about myself.

Why do you think I hide behind fiction?

I started writing fiction in the fourth grade—it was awful drivel in the vein of Sweet Dreams, but I was convinced I was brilliant, because my teachers and classmates and family and friends all said I was brilliant, and I believed them, all the way through high school.

You can imagine my shock upon arriving at UP for college and all-too-quickly discovering that reports of my brilliance had been greatly exaggerated. Even my stellar command of the English language came under fire: “People just don’t speak the way your characters do, all letter-perfect,” criticized Dean Alfar, who had by then already won four Palanca Awards and whose opinion, therefore, presumably carried four hundred times the weight of my pre-college fan club.

I sometimes suspect that I later became his girlfriend at least partially so I could take him home to meet my family, thereby proving that some people, in fact, do speak that way, so there.

Seriously, though, while I learned a lot in college and met many people worth admiring, it was the opposite of inspiring—the message I got was that my life experience (as a half-American girl whose family lunched at the Peninsula at least once a week) and the things I wanted to write about (as a rabid fan of fantasy, science fiction, and things that go ‘bump’ in the night) was irrelevant to the Filipino majority and therefore had no place in Philippine literature.

I stopped writing fiction for around ten years.

I kept my hand in, though: edited a couple of magazines, found ways to work writing into a plethora of jobs including flight attendant and bank manager, scripted more comic books than I’m able to count now, as well as several bits of online pornography in comic book form.

But I didn’t really get back into it until I was working on a (decidedly non-porn) comics title with Cyan Abad-Jugo. She convinced me to submit a story for Rica Bolipata-Santos’s open-call anthology Sawi; to my surprise and delight, it was accepted, and I began to think that, just possibly, my upper-middle-class viewpoint might be of some interest to someone, somewhere.

The odd thing about me is that I don’t write to write. Some people I know will write a story simply because it occurs to them, and then they need to get it out, and after that, they figure out what they’re going to do with it. It’s not like that for me; I have to have a purpose—to enter a contest, join a workshop, submit to a specific publication—and I’ll write toward that purpose.

The point I’m making is that I don’t write for my own satisfaction; I write for an audience, always, which is why I needed to know that there apparently was an audience for my work out there, before I started writing on a consistent basis.  I don’t do ‘art for art’s sake’.

I think of myself as more editorial than writerly, by nature: I like parameters. I like cleanliness. My writing has been described as ‘surgical’: I slice in, tell the story, and stitch it up, usually in less than three thousand words. I’m currently trying to move past that—add a little meat to the bare bones of my style, as it were—and stretch myself in other ways, as well.

I’m close to forty years old—I know that’s not ‘old’, but I mention it to illuminate the fact that I’m no longer all that interested in writing about identity or romantic love, that sort of thing. I used to specialize in pieces liberally sprinkled with epiphanic dew: girl realizes who she truly is, blah blah blah, often set against the background of a subverted traditional folktale.

I’m bored with it.

Nowadays, I’m kind of schizophrenic, writing either plot-filled action-adventure or near-realist pieces that focus on stillness, on people who are trapped at a certain point in their lives and don’t know how to move on. The commonality I see there is that I’m clearly reacting against the whole epiphany thing; in fact, the near-realist pieces could be characterized as ‘non-epiphanies’—there’s a realization just out of reach, but the characters don’t know how or if they should try for it.

Talk about a writer’s work being self-revelatory, yeah? Obviously this workshop comes at an utterly ideal point in time, because I don’t know that I’d classify myself as a ‘mid-career writer’, but I do know that I’m trying to move forward, except that I have no idea where I’m trying to go.

Okay, what else is there that I ought to mention? I think I’ve started to develop a voice as a writer. The defining word I’ve heard most often is ‘snarky’, which is amusing, because I actually never set out to be humorous; my generally sardonic world-view just pops out, evidently.

As I said earlier, I write fairly ‘clean’, somewhat peculiarly coupled with a tendency to digress. (You may have noticed this.) I like to subvert expectation, especially when it comes to the portrayal of female characters, most especially in the realm of speculative fiction (where, historically, women have been written pretty one-dimensionally, if not non-dimensionally).

I write a lot of speculative fiction—not exclusively, but almost.

I believe, to paraphrase specfic writer/editor Marion Zimmer Bradley, that the best stories are about characters, not ideas. (Being a specfic writer myself, however, I also believe that ‘characters’ can be androids, siokoy, sentient cities, disembodied thought-forms, etc., etc.) I generally, therefore, prioritize character over other story elements, although lately I’ve been experimenting with setting and, as I mentioned, plot.

This preference for character, by the way, is slightly controversial in the specfic world, where lots of famous stories have done little more than expound on a theory, develop a setting, or simply hammer out a plot. Objectively, I’d agree that several of these are good stories; subjectively, though, they are not stories I would prefer to read and certainly not write. (I might publish and have published such, though, with an eye toward other people’s preferences.)

As for process: I can write a story in a few hours, but that actually only happens after I’ve been working at it in my head for weeks or months. It doesn’t always come out the way I planned it, but I can’t even get started with the physical act of writing without the planning period.

I need to smoke while I write. (Hell, I’m beginning to suspect I need to smoke in order to think!) I can listen to music, but not anything with words in it, or my head starts following along.

I write from the first sentence to the last, straight through. I can’t write separate segments of a story and then tie them all together; it always comes out choppy when I try. I’ve heard wild rumors that such superhuman feats are possible, but my obsessive-compulsive brain just doesn’t seem to be wired that way.

I’m crazy-meticulous, which is best exemplified by the fact that I never fight with my husband (the aforementioned Dean Alfar) about practical things, but we once spent literal hours arguing about whether a story of his should be titled ‘In the Dim Plane’, ‘On the Dim Plane’, ‘At the Dim Plane’, or ‘The General Vicinity of the Dim Plane’ (my exasperated suggestion, by hour two).

Secretly, I mentally edit menu boards at fast food restaurants and mutter corrections to people’s grammar and pronunciation, under my breath, in conversation. My daughter thinks my version of hell would be to have to sit in a room, surrounded by people misusing prepositions and pronouncing the name ‘Daniel’ as ‘day-niel’; she imagines that I would convulse continually.

Clearly, I need help, in terms of both career and compulsions. But let’s start with the career, yeah?

Louie Jon Sanchez’s Poetics

Papunta, Pabalik, at ang ano, paano, at bakit ng aking pagsusulat

Kung makukumpleto, ikatlong aklat ng tula ko na ang Papunta, Pabalik.  Hindi na rin naman masama.  Sa isang banda, masikhay na rin ang tatlong taong ginugol ko sa pagluluwal ng unang aklat, ang At Sa Tahanan ng Alabok (2010, UST Publishing House), at ang pagsusumikap kong masundan ito ng Kung Saan sa Katawan, na naghihintay ngayon ng ebalwasyon mula sa pinagpasahang pabliser.  Kung kuwentahan na lamang din ang pag-uusapan, halos 12 taon na pala akong tumutula, at kung ano-ano na rin pala ang sinubok ko sa larangang ito ng pagsasakataga.  Muhon ng aking unang sampung taon ang At Sa Tahanan ng Alabok, kung saan ko aksidenteng naipakilala ang sarili bilang isang “relihiyosong” makata.  Natakot ako kamakailan sa pagbansag ditong “apocalyptic poetry” samantalang hindi ko naman ikinahihiya ang paghanga sa siya namang pinag-uugatan ng panulaang may ganitong himig at paksa, ang tradisyong armagedonista, lalo na ang tagapanguna nitong si Teo S. Baylen.  May isang kaibigang nagtanong sa akin minsan kung malay ang ganitong pagtugon sa panulaan—kung iisipin daw kasi, paksa ko rin naman ang aking kabaklaan halimbawa, ngunit parang iniiwasan ko ito.  Iniiwasan mo nga ba, usisa niya, na usisa ko rin sa sarili ko.  Magmumukha naman akong nagsusuntok ng dibdib, mea culpa, mea culpa, kung sasabihing, oo, at parang ginagabaan ako ng matandang paniwalang kontrapelo ng aking katauhan ang Katolisismong aking isinusulat.  Naisip kong bigla na sa malao’y nagkaroon ako ng desisyon sulatin ang panulaan ng aking paligid; ang tunay kong iniiwasan ay ang sarili, sapagkat natagpuan kong higit na mahusay na pagpapakinis sa sariling pagtula ang pagbaling sa labas, samantalang nakatuon sa loob.  Pagninilay ang isa sa pinakagamiting salita sa loob ng At Sa Tahanan ng Alabok, at hindi na ako gaanong nagtataka sapagkat iyon ang naging tahanan ng aking pagtula sa loob ng unang sampung taon ng paghahanap ng tinig at pagtingin sa daigdig.  Nang tipunin ko ang aking tesis na bumuo sa libro, naging lunsaran ito ng sari-sari ngunit nakatutok (centered) na pag-uusisa sa danas-tao sa panahong ito.  Sa pagdisenyo ng libro, ginamit ko ang balangkas ng 40 araw ni Jesus sa Ilang upang pagnilayan ang kaniyang misyon; naisip kong ito rin ang pinagdaraanan ng tao—isang pagpapadalisay bago taluntunin ang misyon ng pagiging buhay.  Ngayong sinisikap kong magpaliwanag hinggil sa aking sariling panulaan, kakatwang gunita ang alingawngaw na tanong ng aking kaibigang nabanggit sa totoong naunang nagtanong sa akin hinggil sa kasarian, kung may kasarian man, sa aking pagtula.  Tanong din sa akin ito ni Dr. Cirilo F. Bautista, aking tagapayo: nasaan ang kabaklaan?  Na hindi naman niya gaanong minasama, bagkus kinakitaan pa ng lakas sapagkat nasa nibel ng unibersal na danas.  Ngunit para ngang nawawala.

Iniuuna ko itong diskusyong ito hinggil sa kung ano ang tinutula ko sapagkat sa muling pagbabalik ko sa At Sa Tahanan ng Alabok, Kung Saan Sa Katawan, at sa panukalang proyektong ito, hindi ko maiwasang maisip na sarili ko rin naman ang paksa ko.  Mukha lamang hindi.  Hindi ko alam kung nakabuti, o nakasama; panahon na lamang at mambabasa marahil ang magtatakda.  Sa pag-iwas ko sa sarili sa simula, natagpuan ko rin ang sarili bilang lunsaran ng pagbaling sa matulaing karanasan.  Naiisip ko ngayon, sa pagbabalangkas at pagpapaliwanag ko ng Papunta, Pabalik, na isang kahunghangan ang itatwa ang sarili sa panulaan.  Isinisiwalat ko ang pakikipagtagisan ni Kristo sa diablo ay ako rin iyong pumupuksa sa aking dilim.  Ipinaliliwanag ko ang myural sa Victorias, Negros Occidental hinggil sa naglalagablab na Kristo ay ako rin ang tinig ng kumakaripas, nag-aanyo lamang na hindi natinag ng nakababagabag na pinta.  Pinapagsalita ko ang iba’t ibang yugto ng araw ngunit ako lamang naman ang nagninilay hinggil sa pag-iisang iyon ng Panginoon, na pag-iisa ko rin.  Pagtungtong ko ng Kung Saan sa Katawan, inaral ko nang husto ang kaisipang Tomista upang pangalanan ang iba’t ibang anyo ng duda.  Pananampalataya ko lamang ang aking kinikilatis habang tinataya ko si Tomas de Aquino bilang paksa.  Lunod na lunod lamang ako sa kaniya, at kahit matagal na akong lumayo sa aking pamantasang mahal, minumulto niya ako, sa lahat ng aspekto ng aking pananampalatayang pampanitikan.  Ang Papunta, Pabalik ang sa palagay ko’y yugto ng tunay kong pagbabalik sa sarili, hindi na lamang bilang tinig at kamalayan, kundi katauhan.  Ikinakatha ko rito ang gunita ng isang kathang “ako” na dumaraan sa maraming paglalakbay.  Sa panitikan, kailangan pa rin ang mga pagbabalat-kayo, kaya pagkatha pa rin ang nais kong buod ng aking mga pagsisiyasat.

Sarili na rin naman ang usapin, kaya hindi maipagpapaliban ang pagkakadawit sa panulaan ng kumpisal.  May relihiyosong kaugnayan pa rin ito kaya naisip kong may kalapitan ito sa aking diwa.  Hindi ko nasang lumikha ng kumpisal na pinandidirihan ng ibang kritiko, at hindi rin naman ito ang ginagawa ko sa malaong pagtula.  Ang pangungumpisal sa aking palagay ay hindi lamang nangangahulugan ng walang-hiyang pagtatapat.  Ang pagtatapat na ito ay may pinagdaraanang proseso, tulad ng eksaminasyon ng budhi, sa Katolikong pananaw halimbawa.  Gusto kong isipin na isang mahabang pagsisiyasat ng sarili ang At Sa Tahanan ng Alabok, maging ang Kung Saan sa Katawan.  Sa mga aklat na ito ko siniyasat ang malalaking tanong hinggil sa sarili at pananampalataya.  Sa Papunta, Pabalik ko nasang ilugar ang sariling mga pagtatapat gamit ang bawat natutuhang birtud ng kaisipan at kamalayan.  Hindi ko alam kung naisagawa na ang ganitong paraan ng pagbaling sa panulaan ng kumpisal, at sa kinalaman nito sa pag-unlad ng pagtula ng isang indibidwal.  Kailangang balikan ang salitang ugat ng pagtatapat—tapat.  Ang katapatan ay hindi lamang nakatuon sa pagsasabi ng nakaririmarim na totoo.  Kailangan din nitong dumaan sa mahabang pagninilay, sa mga uri ng “eksamenasyon ng kamalayan” kung susundan natin si San Ignacio de Loyola.  Maraming bagay ang masasabi kong naging salik sa mga pagbabagong ito na pinagdaanan ng aking kalooban, maging ng kaloobang-pampanulaan.  Ecriture lamang ang unang dalawang aklat ko, na maaaring magsilbing paliwanag sa iba’t ibang pakikipagtagisan ko sa sarili, at sa aking mga pananalig.  Hindi ko masasabing relihiyoso akong tao (at Katolikong-katoliko, hinding-hindi!), ngunit ganito ako karelihiyoso sa aking pag-aabang sa mga susunod na salita.  Kaya marahil, hindi rin ako palagay sa mga bansag sa aking pagtula bilang “relihiyoso”, at lalo na “apokaliptiko”.  Kung naghihimig propeta man ako’y ang pangunahin kong pinangangaralan ay hindi ang kapwa, kundi ang sarili.  May salimuot na ang aking pansariling balangkas bilang tao—bakla, Katoliko, Filipino, nasa panggitnang uri, edukado.  Kung lumalagpas man sa mga hanggahang ito ang aking pagtingin sa danas, marahil ay dala ng aking nasang pagninilay.  Gusto kong laliman ang aking kabatiran: sa daigdig, at sa sarili: higit.  At walang kaduda-dudang isa itong mabathalang gawain.

Ano.  Nasa panahon pa ako ng pagbabalangkas ng Papunta, Pabalik, at naisip ko kaagad ang pamagat, sa inspirasyon ng kasabihang Tagalog: “papunta ka pa lang, pabalik na ako”.  Mahalagang panahon ng pagtula para sa akin ang bungad ng paglalathala ng At Sa Tahanan ng Alabok.  Sa panahong ito ako sumali sa Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo, sa imbitasyon ng aking guro, si Dr. Michael M. Coroza.  Ang pagsailalim ko sa palihang LIRA ay isang pagsubok sa mga kabatiran.  Una’y hinarap ko ang kinatatakutan kong si Dr. Virgilio Almario, na sa unang klase pa lamang ay binabalahura na ako.  Tanda pala iyon ng pagyanig sa aming lahat na nagsisimulang sumuso sa tradisyon, at hindi ako nagpatinag.  Tinatagan ko ang aking loob at masigasig na nagpabasa ng aking mga akda.  Matapos noon, siya namang paglabas ng At Sa Tahanan ng Alabok, na sa totoo lamang ay kinakitaan ko na agad ng pagkaluma.  Papaano’y nabigyan ako ng panibagong pagtingin sa daigdig.  Naiapak kong muli ang mga paa ko sa dako ng pagdadalubhasa sa sariling kasaysayan ng panulaan, sa panulaang Filipino.  Ang LIRA sa aking palagay ay isang panulukang-bato para sa aking pag-unlad.  Sa panahong inuusig ang mga institusyon, takang-taka ang mga tao kung bakit naririto ako’t nagpapakahusay sa pakikinig ng kung ano ang mabilis, malumay, malumi, at maragsang salita.  Hindi ako nagsisisi, dahil marahil, dala na rin ng aking balangkas bilang tao: likas sa akin ang paghahanap sa pananampalataya, at natagpuan ko sa LIRA ang mga kutob kong patotoo sa paglikha.  Sa panahong inaakala kong babad na babad na ako sa kung ano-anong posmoderno at teoretiko, nahihiwagaan pa rin ako sa tinig ng munting lumot na nanghahamon sa tulos na walang ano-ano’y baka datnan nga ng agos.  May sariling ipinakikilala ang tradisyon, kaya ko maaaring naibigan ang paglahok sa LIRA.  Isa itong mahalagang pagbuo sa sariling kakanyahan bilang makata.  Naibigan ko ang pag-aaral ng tugma at sukat, hindi dahil ito lamang ang nais kong gawin (siguro, sa hinaharap).  Naiisip ko ngayon na ipinahintulot ng maykapal na sumabak ako sa palihang ito sapagkat kailangang magkaroon ng anyo ang aking matulaing (am)bisyon.  Ang sariling iyon na aking pinuntuhan ay ang sarili-bilang-bansa na may kalinangang kailangang arugain at payabungin.                   

Paano.  “Tinatawag ng mga tula (ng At Sa Tahanan ng Alabok) ang bisyon ng manunulat,” paliwanag ng isang kaibigang makata, sa kaniyang pagpapauna sa aking aklat.  Dalawang salita ang nababasa ko sa salitang bisyon, kabilang na riyan ang idinagdag kong “am” na nasa mga panaklong.  May bisyon ang manunulat, at iyon ay matatagpuan sa kaniyang paraan ng pagdulog sa daigdig.  Isa itong paninging nagbibigay-katuturan sa kaniyang pagbibigay-katuturan sa karanasan.  Ito sa palagay ko ang mahirap ilarawan sapagkat iba-iba, at depende sa makata.  Ito ang inaanyuan ang makata.  Ang higit na iniibig kong salita sa dalawa, ay ang ambisyon, dahil iyon siguro ang isang kahalagahang pampanulaan na maaaring makapaglarawan sa aking paksa, lalo na sa pagtungtong ko sa Papunta, Pabalik.  Sentral na danas sa aklat ang mga pagninilay hinggil sa mga paglagpas sa sarili, kabilang na ang paglalakbay—mulang Filipinas at sa kung saan-saan sa Asya.  Kasama sa mga ito ang muli kong pagbalik sa Negros at pagtamasa sa danas ng ruinas ng isang bahay doon.  Kahanga-hangang bahay, sambit ko, habang minalas itong karingalan na minumulto ng kahapon.  Sa aking pagpunta, bumalik akong may proyektong tula, na naging “Talambahay”, siyang pinakamahabang tula ko sa ngayon.  Ambisyon kong lumikha ng epiko, kaya samantalang nag-iipon pa ako ng sapat na lakas at kakayahan sa pagbuo nito, sinisimulan ko nang linangin ang pagtulang mahaba, gamit ang mga saliksik at natutuhan sa mga yugto ng pag-uusisa sa sariling pagtula.  “Talambahay” ang pinakaunang produkto ng pagsusumikap na isakatawan ang ambisyong mairalan ang pana-panahon gamit ang mapang-usig na tinig.  Kasama ng ambisyon ko ang makalikha ng iba’t ibang pagtatanghal at danas sa bawat mahabang tula na higit kong kinagigisnan.  Kaya kapiling din ng “Talambahay” sa Papunta, Pabalik ang tinig ng isang matandang hahapon na ang buhay, at pinagninilayan ang sarili sa iba’t ibang araw ng Semana Santa.  Ang aklat na ito ay dramatisasyon, poetisasyon ng iba’t ibang anyo ng pagpunta at pabalik.  Kung gayon, odisea.  Ang odiseya ay hindi lamang mitiko, kundi epiko rin, kaya bubuuin ng mahahabang tula ang mga ipapaloob kong danas sa aklat na ito.  (Am)bisyon ang nagtutulak sa akin na gamitin ang mahabang tula bilang lunan ng tuluyan, nagsasalimbayan, nagsasalpukan, at sa huli, nagsasanib na mga takbo ng pagninilay.  Gusto kong bigyang-anyo ang sarili sa isang lunan ng kawalang-lunan (placelessness), namumuhay at umaasa sa biyaya ng, at mabiyayang salita.  Gusto kong gawing pagsasanay sa pagtatapat na tapat ang mga pagninilay-na-tula.  Gusto kong tiyakin kung ano ang haggahan ng sariling nagpaparamdam dito.  Kung hanggang saan ang matatarok nito.

Bakit.  Sa loob ng humigit-kumulang 10 taon, may mga napatunayan akong bagay hinggil sa pagtula.  Unang-una na riyan, nagsisimula talaga sa sarili ang pagtula.  Ang pagtula ay pagbuo ng sarili—sa iba’t ibang anyo at paraan ng mga kathang sarili.  Sinasabi ko ito ngayon bilang paliwanag, sa sarili, at maging sa kapwa manunulat na nagtatanong kung bakit ganito ako magsulat.  Kung bakit mahaba akong magsulat, kung bakit parang wala akong kasarian sa pagsusulat, kung bakit Katolikong-katoliko daw ako magsulat.  Napakaraming kung ang isiniwalat ng paglabas ng At Sa Tahanan ng Alabok.  Kundangan naman kasi’y parang kapwa biyaya at sumpa ang mga unang aklat.  Nakakatakot, sapagkat parang ipinipiit ka na nito sa mga paksang susunod mong isusulat (at parang isang pangangailangan din ang tugunin ito).  Sa isang banda, naunawaan ko rin sa mga paliwanag na ito kung bakit nga ulit-ulit na lumilitaw ang diyos, pagninilay, at maging ng kaligtasan sa bokabularyo ng aking panulaan.  Nasa sarili ko na ang mga ito, at hindi ko basta-basta mabubura.  Gaya ng bakla ako, burges, at isang ngayon pa lamang umaaming tapat na tagasunod ng makatang J. Neil Garcia.  Nagkakamali sila marahil na si Teo Baylen lamang ang aking balon.  Mas marami akong nasalok na bait kay Garcia sa mula’t mula, at lagi kong hinahangaan ang kaniyang tiyakan at di tiyakang pagninilay sa mga kontradiksyon ng pagiging bakla, at mulat ka Katoliko.  May isa pa akong hindi naisasakatuparan, at iyon marahil ang pagiging litaw na campy ni Garcia, dala na rin ng kaniyang pagtalunton sa ispera ng sagrado at lapastangan.  Mahirap sa mahabang tula ang palaging nguyngoy at mapaglimi.  Gusto ko ring marating ang nibel ng maningning na parikala, iyon bang pinagdududahan din ang sariling matipunong pagninilay.  Sa mga pagpunta at pagbalik ko sa mga tula sa aklat na ito, gusto ko rin namang pagtawanan ang sarili ko.  Seryoso ang mahabang tula, ngunit hindi ko kailangang maglunoy sa aking kaseryosohan.  Sapagkat ganito, pakikipagtuos din sa sarili ng At Sa Tahanan ng Alabok ang Papunta, Pabalik. 

—————————

Addendum: Mga Dagdag na Pagpunta at Pagbalik sa Papunta, Pabalik

Naisip kong susugan—ang totoo’y rebisahin kung maaari pa—ang mga nasabi ko na sa manuskrito para sa taong ito ng UP National Writers Workshop. Palibhasa’y work-in-progress ang ating tinatalakay, at nais ko kayong mabalitaan hinggil sa progreso ng aking proyekto. Ang nakasulat sa aking naunang paliwanag ay makatatayo nang mag-isa, kung tutuusin, bagaman sa masinsinang pagtitig ay kikikitaan ng tentatibo kong palagay hinggil sa isinusulat kong aklat, ang Papunta, Pabalik. Tentatibo, sapagkat naroroon pa rin ako sa antas ng pagmumunakala hinggil sa pag-aanyong nais kong tupdin para sa aklat, na saka-sakali’y ikatlo ko na nga. Ngunit napakabigat na kalagayan ang manatili sa tentatibo, kaya nga nais kong destrungkahin ito nang bahagya sa pagbabahagi ng mga napagnilayan ko hinggil dito nitong mga huling araw.

Habang dumaraan ang mga araw, nagkaroon ako ng pagkakataon, hindi lamang upang balikan ang mga tulang isinama ko bilang babasahin sa talakayang ito, kundi dagdagan pa ang mga ito ng mga tulang ngayon- ngayon lamang nagparamdam. Tentatibo pa rin naman ang aking posisyon, ang aking lagay sa panahong ito, ngunit, nagiging malinaw-linaw na kahit papaano ang aking nais taluntunin. Nangyari ito nito lamang nagdaang Semana Santa, nang magkaaanyo ang isang mahalagang bahagi ng koleksyon na natapos ko matapos ng pakikibuno rito ng halos dalawang taon. Ang tinutukoy ko ay ang siklo ng mga tulang Semana Santa na baha-bahagi ninyong nabasa sa unang pagpapadala sa atin ng sipi ng manuskrito. Inilakip ko sa ating pag- akyat sa Baguio ang nalalabing bahagi ng siklo (liban sa “Biyernes Santo” na tumatanggi pang mabuo), kasama ang ilan pang bagong tula na magiging bahagi rin ng koleksyon.

Palibhasa’y mabagal akong mag-isip, kaya ganoon din siguro katagal ang aking pagkakasulat sa siklo. Nag- alinlangan ako sa tinig na lumilitaw habang ginagawa ko nang paisa-isa ang mga tula. Napakalawak ng “inspirasyon” ng tinig ng matandang hahapon na ang buhay ang kinailangan kong pag-aralan nang pag-aralan sa loob ng dalawang taon—pangunahin na riyan si T.S. Eliot at ang matatandang tinig ng kaniyang “Gerontion” at “The Love Song of J. Alfred Prufrock”, kahit ang “The Waste Land”. Naibigan ko ring muli si Sophocles—lalo na ang yugto ng kaniyang Theban plays na Oedipus at Collonus—na itinuturo ko sa klase. Kung maaalala natin, ito na ang bahagi kung saan napadpad ang mag-ama’t magkapatid na Oedipus at Antigone sa Atenas at naghihintay na ang nasawing bayani ng kaniyang kamatayan. Ako’y gugulang pa lamang ng 32 ngayong taon, at bagaman napaligiran sa pamilya ng di iilang nakatatanda, kinailangan kong maunawaan nang husto ang kaisipan ng isang taong malapit nang panawan ng lakas at kairalan ang katawan.

Minithi kong marating ang lupaing para sa matatanda na, kahit sabi nga ni William Butler Yeats ay marami pa sa kapanahon ko’y masasabing nasa pook-kamalayan pa ring “no country for old men.” Nagtiyap ang lahat ng pag-aaral ko hinggil sa katandaan, mulang sikolohiya hanggang araling pangkultura, nang umuwi kamakailan ang lola ko sa ina, na isa nang Australian citizen. Sa gulang na 83, “mabagal” na siyang maglakad, at napatunayan ko ang bagal na yaon nang akayin ko siyang minsan patungo sa pinakamalapit na banyo ng SM Marikina. Parang naramdaman kong muli na may mga paa ako sa tindi ng aming kabagalan. Sa pagninilay ko, naisip kong halos ganito rin ang pinagdaraanan ko sa pagbuo ng seryeng ito na salalayang sentro (pivotal center) ng aking koleksyon. May minimithi ako marahil na paggulang at pagkahinog na nais kong lumitaw mismo sa aking pagsasakataga. Wari’y ipinauunawa sa akin ng mga sandaling iyon ng paglakad na kailangan ang matamang pagninilay—malumanay at tiyak ang mga hakbang—upang matupad ko ito.

Mahalaga ang mga tulang Semana Santa na yaon para sa koleksyon, hindi lamang dahil doon ko hahanguin ang pamagat ng aking aklat, na wika ko nga’y galing sa matandang kasabihang “papunta ka pa lamang, pabalik na ako,” na madalas nating maririnig sa matatanda. Ang pagtanda, sa literal at matayutay na pagpapakahulugan, ay paglalakbay tungo sa katuparan, at isa lamang talinghaga sa palagay ko, ang katandaang naghihimutok sa aking koleksyon, ng mga pagsubok na kailangang batahin at tanggapin ng tao sa kaniyang pag-iral sa daigdig. Mulang Miyerkoles ng Abo hanggang Domingo de Paskua, makikitang walang naging resolusyon ang aking persona sa kaniyang maraming pagninilay. At makikita ring napakalawak ng kaniyang mga naging pagtalakay sa maraming paksa ng kaniyang buhay—pangunahin na ang pananampalataya, ang unti-unting paggaba ng kahinaan, ang pagtanggap sa nagbabagong lipunan, atbp.

Hindi sunod-sunod ang pagkakalikha ko sa mga tulang ito, at malinaw naman iyan sa mga petsang nakatala sa hulihan ng bawat tula. Sa pagsusulat ng mga tula, inisip ko lamang na kailangang maglaman ng isang pangunahing dilemma ang persona. Hinayaan kong magsala-salabid ang pagnanasa ng tinig na unawain ang kaniyang mga nararanasan, at pinapasok ko ang sari-saring salimuot na maaari’y nakuha ko sa pagkababad kay John Ashbery. Ang himig ni John Ashbery ang naibigan kong tunghan para sa mga tulang ito—at sa kasalukuyan kong paglikha— bukod pa siyempre sa matulaing pagninilay at “pangangaral” ng aking paboritong makatang armagedonistang si Teo S. Baylen. Dito man lamang ay matugon ko—mabigyang- linaw—ang pagturing sa akin ng ilan bilang makatang “apokaliptiko”. Hindi ko nais mangaral gaya ng tinupad ng mga armagedonista noong dekada 60, dahil sabi ko nga sa unang sanaysay, kung nangangaral man ako’y ang una’t huli kong kausap ay ang sarili.

Parang ang dami ko lang binabanggit na pangalan, ngunit nais kong ipahiwatig na hindi lamang naman sa mga ito ako nagbabalon ng aking paglikha. Sa orihinal kong paliwanag sa manuskrito, mariin kong pinroblema ang pagbabalik sa sarili, na tila nga namang malayo sa proyekto ng mga tulang nakapaloob sa seryeng Semana Santa. Ngunit iniisip kong sa personal na antas, sa pagtungtong ko sa ganap na yugto ng pagiging “matanda” at wika nga ay wala na sa kalendaryo, baka nga ako rin itong nagsasalita sa mga tulang ito, at tinataya ko na ang mga bagay na kailangan kong harapin sa yugtong ito ng “tunay na pamumuhay”, na tiyak namang aabot sa edad at panahon ng nagsasalitang persona sa mga tula ko.

Hindi ninyo ako kailangang paniwalaan sa mga sinasabi ko ngayon, dahil tulad ninyo, tinatangka ko ring basahin ang mga tulang ito na nang matapos ko’y biglang lumitaw na mahalagang muhon pala sa loob ng koleksyon. Sa pagkakalikha sa kanila nang buo at ganap, nakuha ng mga tula ang himig at tinig na nais kong pumaloob sa koleksyon—na bagaman naglilimi ay sinisikap igpawan ang mga pagninilay na ginawa ko na noong una, sa aking unang aklat na At Sa Tahanan ng Alabok, at sa ikalawang Kung Saan sa Katawan. Saksi siya sa daigdig, sa mga pagkaluoy nito’t kaguluhan, ngunit higit na pumapaloob ang kaniyang pahiwatig sa loob na maaari nga’y larawan ng kaayusan (o kaguluhang) panlabas. Ang tunggalian ng tao at daigdig para sa akin ay espiritwal, kaya’t higit kong pinananaligan ang papaloob na tunguhin ng tula, na isang pagbabalik sa sarili.

Sa bahaging ito siguro nais kong sagutin nang pahapyaw ang tinalakay kong “pagbabalik sa sarili” na napag- isip-isip kong hindi lamang nakatuon sa personal na kumpisal, kundi paglikha rin ng mga bagong sarili bilang paraang pampanulaan. Sinabi ko na sa unang borador na nais kong ituon sa higit na personal na nibel ang aking pagsasakataga sa proyektong ito, kaya kaakibat na serye ng mga tula ay yaong nakatuon sa danas ng paglalakbay (Ang “Talambahay” ay isang piyesang kumakatawan diyan, pati na ang “Layo”, maging ang “Self- Portrait”). Sa mga tulang ito ko ipinamamalas ang aking lunggating nabanggit, sa pamamagitan ng pagkatha sa isang sariling may matalim na pagmalas sa ginagalawang kaligiran, sa binibisitang lunan, na lagi’t laging nagpapagunita sa kaniya ng pagkakalayo (estrangement) niya sa lupaing tinutungo, maging sa kaniyang sarili. Dalawang bahagi ang ipinaplano kong balangkas sa Papunta, Pabalik, at mapapailalim ang mga tula ng paglalakbay sa seksyong “Papunta”. Sa “Pabalik” naman mapapailalim ang serye ng Semana Santa, sampu ng mga tulang tumatalakay sa maraming anyo ng “pagbabalik” na maisusulat ko pa sa mga susunod na buwan—o taon, hindi ako makatiyak. Kasalukuyan ko pang binabalangkas, pinagninilayan ang mga tulang “itinerant” o naglalakbay, at mapapasama riyan ang mga akdang hinggil sa aking mga pag-ikot kamakailan sa iba’t ibang lunan ng bansa at Timog Silangang Asya.

Ang hindi lamang sa palagay ko’y tentatibo sa mga pinoproblema ko bilang makata ay ang anyong lumilitaw sa pagsasakataga ko—ang anyo ng mahabang tula, na sa simula pa lamang ng aking pagtula’y naibigan ko nang sulatin. Gustong-gusto ko ang mahabang tula, hindi lamang dahil bumabagay ito sa aking katauhan bilang makata: mapusok sa pahayag, marubdob, masalimuot. Sasalungatin ko ang sarili ko sa una kong borador hinggil sa pagiging “epiko” ng pagbabalik sa sarili, bagaman maaari ngang ganoon iyon, dahil sa pagninilay kong ito, naiisip kong hindi lamang ang sarili ang nasa kong anyuan ng aking poetikong (am)bisyon—ang dalawahang salita na tinukoy ko sa pagpapaliwanag sa mga tulang inihaharap ko ngayon. Hindi sa ganap akong naniniwala sa sinasabi ng tagapayo kong si Dr. Cirilo F. Bautista hinggil sa mahabang tula; ako man din, tulad ng marami, ay mula sa tradisyon ng liriko at may ilan na akong tangka sa mga anyong katutubo at banyaga. Kinakasangkapan ko ang mahabang tula upang pahalagahan ito bilang isang anyong ngangayunin, isang anyong kailangang linangin, sa panahon ng sari-saring poetikong pragmentasyon.

Nagdudulot sa akin ng kakaibang kasiyahan ang gamitin ang anyong ito sa samutsaring pagpapagitaw ko sa komplikadong karanasang pantao sa tula. Kahit masasabing pagtatangka ay ginagawaran ako nito ng wangis ng kabuuan, na patuloy na binabasag ng nakamimihasnang panulaan. Sa bawat pag-aanyo ko sa mga tulang naririto, ang lagi kong isinasaalang-alang ay ang mismong pag-aanyo ng napakalawak-napakalaking sisidlang iginagawad ko sa sarili. Ang mahabang tula mismo’y isang pagsubok sa hangganan ng aking mga pagsasabi, at ng aking pagsasabi nang sapat. Sinusuong ko ang sukal ng mahabang tula, hindi na lamang dahil nangangarap akong sumulat ng epiko sa mga susunod na yugto ng aking pagmamakata; nais ko mismong maunawaan ang mekanismo ng mahabang tula bilang malawakang pagmalas sa mahahalagang danas-tao at pagbubuo rito sa gitna ng maraming pagguwang. Kalabisan na marahil ang ipaalalang anyo mismo ang mahabang tula, isang uri ng pagtatapat na dumudulog sa saysay ng kasaysayan—personal man o pambayan. Sinusubok ko ang tatag ng anyong ito, habang sinusubok din kung hanggang saan aabot ang aking enerhiya at resistensya. At idaragdag ko pa: kataimtiman. Sa huli, gusto kong maging buo, kaya nagpapabuo ako sa mahabang tula.

Sa huli, nais kong huwag nang maging tentatibo sa problema ng kasarian sa tula na una kong ipinanukala, bagaman agad ding binitiwan—isang mahalagang usapin lalo’t ipinapasok ko na ang isyu ng pagiging buo, bilang tinig na may kakanyahang buo. Hindi pagiging “bakla” ang tunay kong “problema” kundi ang uri ng “baklang” nagsasalita, nagpapahiwatig sa mga tulang ito. Sa mga nagtanong sa akin hinggil dito noon, maaaring ito na nga ang aking tugon: Bakla ang aking tinig, bagaman halos ispektro, namumuhay sa kontradiksyon ng pananampalatayang Katoliko, namamahay sa maligamgam na pagtanggap ng lipunang marami pa ring pagtataya sa mga tulad naming “kabukod”, sa kabila ng pamimilit mamuhay nang karaniwan at kapaki-pakinabang.

Sana nga, tulad ng makatang Rebecca T. Anonuevo, na siya namang padron ko sa mula’t mula, maaari ko ring sabihin na “mabuti na lamang at sa panahong ako ito/ipinanganak na bakla.” Sa isang banda, mabuti na rin sigurong ngayon nga ako ipinanganak dahil bagaman kailangan pang igiit at pagitawin ang partikularidad ng buhay at danas-bakla, marami pa akong pagkakataon na pumili ng mga pag-aanyong magsasalaman ng sari-sari kong hinagap bilang makata at taong hinuhubog ng aking handog na katangian. Dito ko nais na pahalagahan ang malaking impluwensiya sa akin ng ikinumpisal kong padron sa huling bahagi ng unang borador, si J. Neil Garcia, na naging pintakasi ng aking mahahabang saloobin. Mas nauunawaan ko ngayon na higit kong iniibig higit sa lahat ang kaniyang poetikong (am)bisyon na magsadula ng sarili niyang kontradiksyon gamit ang mahahabang anyo, maging ang serye.

Napakarami kong kinailangang linawin para sa pagkakataong ito, at sana nga ay nakapaglinaw ako—o kung hindi man, makapaghatid man lamang sana ng isang masiglang talastasan.

LOUIE JON A. SANCHEZ

Lungsod ng Caloocan Biyernes Santo Abril 6, 2012